Sunday, September 5, 2010

unang tapak

Sa pagadting ko sa pinagpalang lugar ng mga arabo kung saan mas mahal daw ang tubig kesa langis..me halong kaba at excitement sapagkat ito ang unang pagkakataon na ako ay mangingibang bansa at subukang mapabilang sa mga tinatawag na bagong bayani..


Higit sa ano pa man ang dahilan ng pagpunta ko dito sa Saudi ay upang makapag-ipon ng pera at makapagpadala para sa mga minamahal sa buhay sa Pilipinas...Ngunit sa isang banda ng aking isipan ay umu-ikilkil ang isang bagay kung saan ang pagkakaroon ng karanasan sa sex sa lahi ng mas gwapo pa yata kay Jesus Christ ay masyadong maigting..At sa nakaraang 7 buwan lumagi ako dito ay  hindi naman ako nabigo...May masasayang karanasan, may nakakatawa, may exciting, may nakakainis....ngunit ano pa mang klase ng deskripsyon ang bumabalot sa bawat karanasan ay kaakibat nito ang takot at kaba sapagkat nandito ako sa lugar na kung saan ang homosexuality o pakikipagtalik sa kapwa lalaki ay isang napakalaking kasalanan na maaaring ikapahamak ayan sa tawag ng batas ng bansang ito...Ngunit matatawag na ironic kung bakit ang mga kalalakihang arabo ay nakikipagtalik din sa kapwa nila lalaki at kung bakit ganun na lamang ang pagkakagusto nila sa mga pinoy kumpara sa ibang lahi...Masyado ba tayong "maganda" sa tingin nila???hehehe

No comments:

Post a Comment